Dear Diary,
Ayoko na talaga diary! Alam mo bang naging issue na talaga sa kumpanya ang pagkaka crush ko daw sa boss ko.
OMG! Marame nagbigay sakin ng advices sabi wag daw ako papaloko. O di kaya meron nagsasabi na baka akitin ko daw si boss, na kaya daw ako pa rin ang sekretarya niya dahil may namamagitan na daw samin.
Panay din ang sorry ni Marie sakin dahil hindi ko na siya kinakausap. Ikaw ba naman tampulan ng tukso at tsismis di ka ba maiinis?
Mabuti na lang at pinagtatanggol niya ko sa mga haters ko sa ibang department! Ay inay! Di ko kinakaya ang nagaganap.
Buti sana kung totoo mas maluwang sa puso pero hindi eh. Iba naman ang gusto ko. Paano ba niya kasi naisip na si boss ang gusto ko?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.