Journal 58

131 7 0
                                    

Dear Diary,

Sembreak na namin at malapit na rin ang pasko. Tuloy pa rin naman ang buhay ko. Same pa rin. When I said same pa rin. Boss ko pa rin ang antipatiko.

Bumalik nga ang secretary niyang si Frank pero nalipat naman ng ibang department. Ang kinalabasan ay ako pa rin ang secretary niya. Hays nakakainis!

Pero alam mo diary may nag iba sa kanya. Andun pa rin ang pagiging antipatiko niya pero hindi na kami madalas magtalo katulad noon.

Hindi na rin niya ako pinag o-overtime kapag alam niyang may klase ako. Minsan nga hinahatid pa ako sa school. Kapag hindi ako pumayag nagagalit siya. Nagsusungit na akala mo big deal ang paghatid sakin. Kapag naman minsan sinusundo niya ko. Sabi niya nadadaanan naman daw pag uwe sa condo niya. Pero out of way naman kapag hinatid niya ko sa mansyon.

Madalas na rin siya sa mansyon na kinagulat ng mga taong naroon. Si Madam nga natutuwa eh. Kapag papasok naman sa opisina ay minsan naisasabay niya ko. Pero madalas nauuna na ko. Nahihiya na kasi ako. Inaasar na kasi ako ng mga kasambahay dun na may gusto daw sakin si boss.

Ewness ah! Okay fine hindi ewness yun kasi hindi naman siya nakakadiri. Pero di ko maiwasan kilabutan kapag naiisip ko ang sinabi nila. Malayong mangyare yun diba diary?

I mean ang layo naman ng itsura ko sa mga babaeng nagpupunta sa opisina niya. And take note ah ang number ng mga babaeng pumupunta sa opisina ay hindi nabawasan, parang dumadame pa nga ata eh kaya imposible ang sinasabi nila!

Besides hindi ako pwede. Kay Sir Kade lang ako. Hehehe. Hindi ko pwedeng tuhugin ang magpinsan. Ay ang kapal ng mukha ko. Pero diary alam ko naman ang level ko. At hindi ako bagay sa mundo nila. Kinikilig lang talaga ako kay Sir Kade. Minsan kailangan din talaga ng spice sa buhay para hindi boring. At ang spice sa buhay ko ay si Sir Kade.

Pero hindi ibig sabihin nun I'll settle for him. masyado silang mataas para sa katulad ko. alam ko mababait sila pero ang mangarap na makakabingwit ang gaya ko ng gaya nila? aba may himala.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon