Dear Diary,
Hindi ako makapagconcentrate sa pag-gawa ng thesis ko. another weeks passed and wala pa rin siya.
Sino pa ba diary edi ang boss ko. Oo na nga gusto ko na siya. mahal ko na nga ata eh. Si Marie kasi hindi na ko tinigilan tungkol kay Sir Paul. Inaalam niya kung kelan babalik. eh anong alam ko? Kahit si Madam ay hindi alam. Pinapauwe na daw niya pero sabi ni boss busy pa siya. marame pa daw trabaho sa Singapore.
Ayaw ba niyang bumalik ng dahil sakin? Ibig sabihin ba nun affected talaga siya? Ibig sabihin ba nun gusto pa rin niya ko?
Waaahh baka assumera lang ako. baka talagang busy siya dun. baka nga busy siya sa mga magagandang babae dun eh.
Baka kailangan ko ng magmove on. Pero paano ako makakapag move on kung andyan si Marie na laging nagtatanong tungkol kay Sir Paul. Kung andyan si Madam na patuloy pa rin akong ina-update sa lagay ni boss. Kung andyan ang mga classmate ko na nagtatanong kung nasaan na ang manliligaw ko. Kung andyan ang mga kasambahay sa mansyon na nagtataka bakit wala ng bulaklak na dumating sa bahay.
Paano ko siya makakalimutan kung patuloy siyang binabanggit ng iba? Paano? Sabihin mo nga diary kung paano?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.