Dear Diary,
Puyat na puyat ako kagabi dahil sa kakaisip sa kanya. Yung mukha niya ang nakikita ko sa tuwing pipikit ako.
Mas lalo siyang gumwapo. o sadyang mahal ko na kaya ang gwapo niya sa paningin ko?
Saktong alas otso ang pasok ko kanina pero nakakuha ako ng tawag at sinabing back sa pagiging secretary na ko ni Sir Paul.
Naisip ko kaagad na hindi ko pa nasasabi kay Noris ang schedules ni Madam pero agad ko ding naisip kanina na wala nga pala si Madam ngayon.
Kahapon pala ay kinancel niya ang lahat ng appointments niya. Nawala iyon sa isip ko dahil na rin sa taong kahapon pa gumugulo sa utak ko.
Wala akong nagawa kaya pinuntahan ko ang tunay na boss ko. Wala pa siya sa opisina nung dumating ako.
Gaya ng lagi kong ginagawa. Inayos ko ang opisina niya. Namiss ko yun. Simula ng maging secretary ako ni Madam ay hindi na ulit ako nakapasok sa opisina niya.
Nung nakita ko siya pagbukas ng pinto niya ay di ko mapigilan ang pag ngiti. ganun ang epekto niya pero sabi nga nila kapag sobrang saya mo agad ding babawiin.
Cause behind his back, A beautiful sexy girl is with him.
Sa tingin ko diary huli na ko.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.