Journal 57

129 6 0
                                    

Dear Diary,

Sobrang sama ng gising ko. Nakainom kasi ako ng marame sa party kagabi. Pero this time wala naman na kong nagawang kalokohan sabi nila Ate Rina.

Dahil sa sobrang boring ko sa pagsunod sunod dun sa antipatiko kong boss, kapag dumadaan ang waiter na may dalang alak ay kumuha ako. Ayun nalasing ako.

May natatandaan pa naman ako sa nangyare kagabi. Si boss ang nakapansin na marame na akong nainom. Siya rin ang umalalay sakin papunta sa room ko. Alam ko nakatulog ako kaagad sa sobrang kalasingan.

Pag gising ko iba na suot ko. Sabi naman ni Ate Rina siya daw nagpalit ng damet ko dahil inutusan siya ni boss. O diba ang bait? Madalang lang yun kaya nakakagulat.

Kasalanan naman kasi niya bakit ako nalasing. Kung hinayaan na lang sana niya akong makihalubilo sa iba edi hindi ako nainip at hindi ako uminom.

Hays! Ang bilis ng araw bukas may pasok na naman. Buti na lang at darating na ang secretary ni boss. Ang alam ko last day na ngayon ng leave niya.

Sa wakas makakatakas na ko.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon