Dear Diary,
Sobrang sarap ng tulog ko! sinong di sasarap ang tulog kung katabi mo ang lalaking sing gwapo ng boss ko. hmmmp! ang bango bango pa.
Kung nagtataka ka diary, ganito kasi ang nangyare. inakit ko ang boss ko kagabi at dahil sa angkin kong alindog ay hindi niya naresist ang charm ko. bumigay siya! hahaha
Well kung ganun sana ang nagyare kagabi ay maganda. ang kaso hindi! pinatulog niya ako sa sofa! hayop siya. napaka-gentleman niya talaga.
wala naman akong magawa dahil nga wala akong pambayad sa hotel na to. singkwenta nga lang ang dala kong pera dahil pamasahe lang dapat yun pauwe ng mansyon pero andito kami sa Macau ngayon, walang silbi ang singkwenta pesos ko dahil pataka ang currency dito. wala akong kapera pera. Ako na ang pinakamahirap na tao sa Macau na nasa ganito kagandang lugar. tsss!
Bakit kasi iisang kama ang kinuha niya eh alam niyang kasama niya ako? Talaga sigurong may galit siya sakin.
kahit naman hindi gentleman ang boss ko ay nakatulog pa rin ako ng maayos. malaki naman ang sofa at kasya naman ako. may space pa nga eh kaya nakakaikot ikot pa ako kaya sobrang sarap ng tulog ko.
Alam mo bang ang ganda nitong hotel? kasi lahat ay nasa room namin. kumpleto ang toiletries kaya naman hindi ka magrereklamo. isama mo pa ang boss kong naliligo na live sa harap ko.
yes diary dahil bangag pa ko sa sarap ng tulog ko ay hindi ko namalayan nasa banyo ang boss ko. Kahit ang pag sigaw ay hindi ko nagawa. natulala kasi ako.
Oh! my eyes aren't virgin anymore.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.