Journal 10

262 4 0
                                    

Dear Diary,

Masaya ako ngayon dahil bati na kami ni bestie Marie. Yun ay dahil sumang ayon ako na magreresign kapag nakahanap siya ng mas magandang work para sakin.

Nakalipat na ko sa mansyon at talaga namang natutuwa ako dahil mas makakaipon na ko nito. Libre na kasi lahat dito sasahuran ka pa. Hindi naman mahirap ang trabaho dahil na rin sa marame kami. Sampo kasi kaming kasambahay dito. Lahat kami may kanya kanyang toka ng trabaho . pero syempre depende din minsan kung sino ang naka off.

Kahit katulong lang kami ay meron kaming 2 days off na talaga namang kinasaya ko. Pinili ko ang Monday at Tuesday na off dahil marame samin ang gusto ay Saturday at Sunday. Ayaw ko ng makisawsaw pa. tutal naman ay wala akong pamilyang uuwian.

Malapit na daw dumating sila Madam at Ser kaya naman todo linis na kami ng kabahayan.

Di ko pa man sila nakikilala ay alam kong mabubuti silang tao dahil sa asta ng mga kasambahay dito at mga driver talaga naman ginagalang at minamahal sila.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon