Dear Diary,
NAKAKAINIS!
Hindi pa siya nakuntento sa pool scene nila at hanggang sa opisina ay umabot pa. Nakita ko ang babaeng yun na lumabas ng opisina niya at siya ngiting ngiti pa. Naimbyerna tuloy ako.
Akala ko naman good mood na siya after nun kaya pumasok ako para ipapirma ang mga report galing sa ibang department .dahil nga takot ng masesante niya ang mga ito ay ako ang humarap kahit ayoko siyang makita. pero ng makita niya ako ay inaway niya ko kaagad.
After ng mahigit isang linggong pang-iisnab niya sakin ngayon kinakausap na niya ko. Pero hindi lang usap ang ginawa namin, sinigaw-sigawan na niya ko at galit na galit siya.
Galit siya sakin dahil hindi ko raw sinagot ang mga tawag at text niya. eh siya nga tong busy na busy sa pornstar na babae niya.
Pagkatapos kasalanan ko? Ako pa?
May saltik talaga ang lalaking yun. Napaka antipatiko pa rin niya.
Kasalanan ko kaya siya bugnutin? Bakit ako?
Nakakainis siya. Ako pa ba? Ako pa ba ang may kasalanan?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.