Journal 26

189 5 0
                                    

Dear Diary,

Bumalik na kong mansyon ngayon. Tuwang tuwa sila Ate Rina ng makabalik ako.

Bumalik na naman bigla ang pagiging masungit ni Noris pero niyakap ko pa rin siya dahil namiss ko ang pagsusungit niya.

Dahil wala naman akong pasok ngayon dahil linggo ay tumulong ako sa gawaing bahay. Pakunswelo ko na lang sa libreng pagpapatira sakin dito ni Madam.

Si Ser ay di na nagulat ng makita ako ulit. sa halip ay isang ngiti ang ibinigay niya sakin. Namiss ko bigla si tatay dahil lagi din yun nakangiti kahit na may pinagdadaanan kami sa buhay.

Excited na kong mag aral ulit. Sana hindi ako masyadong mahirapan sa desisyong pinili ko. At kahit na mahirap ay kakayanin ko. Pinangako ko sa mga magulang ko at sa sarili ko na kukuha ako ng diploma sa kolehiyo at magiging successful sa career na pipiliin ko.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon