Journal 53

149 6 0
                                    

Dear Diary,

Off ko ngayon. Joke lang yun siyempre. Off ko sa office work pero nurse ako sa mansyon ngayon.

Hindi nakapasok si Sir dahil na rin sa sama ng pakiramdam niya. Ang kaso gustong ipakuha sakin ang mga naiwang work sa opisina kanina.

Dahil ako ang pasaway niyang sekretarya, hindi ko siya sinunod. Sinabi ko na kailangan niyang magpahinga or else tatawagan ko si Madam.

Natakot ata sa sinabi ko kaya sinamaan lang ako ng tingin. Aba! Sanay na ko sa ganyang tingin niya. Nakakapanibago nga kapag hindi siya nagsusungit sa harap ko.

Tumambay ako sa kwarto niya maghapon. Dun ako sa sofa nag-stay at nag-aaral. Tulog lang naman siya ng tulog. Kapag nagigising siya ay tinatanong ko ang kailangan niya. Inuutusan ko naman sila Ate Rina sa mga bagay na kailangan niya. 

Feeling prinsesa daw ako sabi ng boss kong antipatiko dahil may utusan ako.

Alam kong iniinis lang niya ako para iwan ko siya. Sorry pero kahit nakaka offend na siya ay sanay na ko. Ilang beses na ba niya kong napaiyak sa mga masasakit na salitang binitiwan niya? Ang pagtawag niya sakin na prinsesa dahil inuutos ko sa iba ang inutos niya sakin ay mild lang. kung baga nasa level 1 palang ng pang-iinsulto niya.

Wala akong balak na iwan siya. Kahit ang pagbabanyo ay ginagawa ko lang kapag tulog siya. Mahirap ng mawala siya sa paningin ko dahil trabaho lang ang gagawin niya, which is not good. Ang phone niya ay nasa akin. Ako ang taga sagot ng mga tawag niya. Sinasabi kong may emergency at hindi makakapasok si boss. Cancelled na rin lahat ng appointments niya

mabait talaga si Ate Rina dahil sa tuwing may pagkain si boss ay may pagkain din ako. Magkaiba nga lang dahil iba naman ang pagkain ng amo sa mga katulong dahil may sakit siya . Lugaw kasi sa kanya. Sakin tuyo,egg, hotdog,sinangag at may kape pa. Sarap diba?

Ang lunch niya ay sinigang na baboy. ako naman inihaw na tilapia. Yun kasi ang niluto ng mga boys. Namingwit kasi sila sa fish pond ng subdivision. Nagreklamo ang antipatiko kong boss dahil sa sawsawan kong bagoong. Ang baho daw! Inggit lang naman siya. Mas masarap ang ulam ko kesa sa kanya.

Pero dahil nga siya ang boss kumukuha siya ng pagkain ko. Nagrereklamo ako dahil ayokong mahawa ng sakit niya. Exam week ko pa naman na niyan kaya bawal akong magkasakit. ang loko walang care. Kumuha daw ako ng bagong pagkain. Bwisit talaga. Wala ah! hindi ako papatalo sa kanya diary. Nag share kami sa food kahit ayaw ko. lalamangan pa niya ako. 

Dedekwat na lang ako ng vitamins niya para protected ako sa sakit.

Nang hapon na ay meryenda naman. Same lang kami ng kinain. Sopas! Okay lang naman ang sopas sa miryenda diba? yun kasi ang kailangan maibagay sa may sakit namin sa bahay. Ang sarap ng sopas ni Ate Rina di ko mapigilang umorder ulit kaya lalong nalait ako ng boss kong panget! Bwisit siya. Kahit naman siya gusto pa rin naman. Ako lang matakaw? FYI wala akong bilbil. well slight lang pala.

Nang mag aalas singko ay iniwan ko siya habang tulog. Nag-iwan ako ng note at sinabing papasok na ko sa school at wag niya akong mamiss. Baka mamaya magwala siya kapag hindi niya nakita ang kagandahan ko. Sinabi ko rin na uminom siya ng gamot niya at tawagan ang mga kasambahay kapag may kailangan. Binilin ko na rin siya kina Ate Rina bago ako umalis.

Kaya naman nagtataka ako kung bakit paglabas ko ng school building ay tumambad sakin ang sasakyan niya.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon