Journal 54

145 7 0
                                    

Dear Diary,

Aba naman diary! Sakin niya sinisi ang hindi na naman niya pagpasok sa opisina ngayong araw. masama pa rin daw ang pakiramdam niya dahil daw sinundo pa niya ako sa school.

Aba kasalanan ko ba yun? Pwede naman akong magcommute or pwede namang si Kuya Seth na lang ang sumundo sakin. Bakit siya pa? Aabalahin ko pa daw ang tulog na! Aba naman kelan pa siya naging concern sa empleyado niya? May sakit nga talaga.

Nagbangayan kami dahil wala naman akong kasalanan. That was the most awkward ride of my life kaya bakit kasalanan ko? Ni hindi nga niya ko kinausap buong byahe eh. Nabinat daw siya dahil dun kaya ako sinisisi.

Hindi kami tumigil sa pag aaway hanggang sa inutusan niya akong kunin ang mga papeles niya na kailangang pirmahan. Lalo daw siyang magkakasakit dahil sakin. Namintang pa siya eh kasalanan naman niya yun.

Sinunod ko naman na siya. Hindi naman na siya mainit kagaya kahapon. Kung titignan ay okay naman na siya. Ewan ko ba bakit hindi pa siya pumasok.

Pero pabor yun sakin dahil sumasama na ang pakiramdam ko. Dahil na rin siguro sa nahawa ako sa antipatikong yun. Nakalimutan ko kasing dumekwat ng vitamins niya eh.

Inihatid naman ako ni Kuya Seth kaya mabilis lang ako. Nakita ko pa si Sir Kade kaya worth it ang pagpunta ko. Siya din ang nakapansin na mapula ko. Akala ko pa nga dahil nagbablush ako sa presence niya. Yun pala dahil nilalagnat na ko.

Nagsabi siyang ihahatid na lang ako ang kaso tinanggihan ko. Oo diary nakakapanghinayang pero anong magagawa ko? Inaantay ako ni Kuya Seth. may sundo ako. 

Pagkadating ko ng bahay ay kina Ate Rina ako tumuloy at nagtanong kung may gamot sila para sa trangkaso dahil yun ang nararamdaman ko. Buti na lamang at may medicine kit sa maids quarter. Nakahingi ako. 

Meron naman sa kwarto ni Sir Paul pero badtrip ako sa kanya ngayon dahil sa virus niya. Peste yan nilipat niya sakin ang sakit niya.

Naabutan ko siyang tulog. Lumapit ako at inilapag sa side table niya ang mga papales na pinakuha niya. Di ko mapigilang mapatitig sa kanya. Sana talaga lagi na lang siyang tulog. Ang bait bait kasi niyang tignan.

Ang gwapo niya. O sige kahapon ko pa sinasabi yun. Eh kasi naman ngayon ko lang siya natititigan ng husto at ang kalmado ng mukha niya. Hindi tulad pag gising siya na laging nakabusangot. Hindi ngumingiti. Dun ka naman talaga magtataka dahil marame pa ring babae ang naghahabol sa kanya kahit ganun siya.

Ang weird ng taste ng mga babaeng yun. Magaganda nga pero bobo naman. Halata namang pinaglalaruan lang sila ng antipatikong yun pero dikit pa rin ng dikit. Tsk!

Hay! May exam pa ako kaya naman mag aaral muna ako habang tulog siya.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon