Diary 13

154 7 2
                                    

Dear Diary,

Kahapon at ngayon ay wala akong pasok. Bukas pa ulit.

Kahapon nang makita ko si Sir Paul kasama nung maarteng babae ay inutusan niya kong magtimpla ng kape nila.

Naku kung pwede ko lang ibuhos yung mainit na kape sa mukha nung babae na panay ang ngiti sa boss ko, ginawa ko na. Naiirita talaga ako sa kanya tapos usap sila ng usap sa lengwaheng di ko naman maintindihan.

Nung nakabalik ako sa pwesto ko sa labas ng opisina niya ay hindi ko mapigilang manggigil. pinupukpok ko ang noo ko ng kamao ko sa sobrang inis.

Sobrang sama ng tingin ko sa pinto ng opisina niya at pinapanalangin ko na sana may laser beam ako para naman tamaan sila pareho.

mas lalo akong nabwisit ng marinig ko ang tawanan mula sa loob. grabe diary sobrang lakas nilang kung makatawa na akala mo ngayon na lang tumawa ulit ang boss ko.

Napatayo na talaga ako nun at balak ko ng umalis ng tumunog ang intercom. nang tignan ko ito ay si boss ang tumatawag. Huminga pa ko ng malalim bago ko sinagot.

Pangiti ngiti pa ko habang kausap siya pero deep inside gusto ko ng ibagsak ang telepono. Sinabihan ba naman ako na umuwe na at sa susunod na araw na lang pumasok dahil may lakad daw siya for 2 days.

Kadarating lang niya tapos aalis na naman siya. kainis na lalaking to! napakalakwatsero!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon