Dear Girlfriend,
Naalala mo ba nung may sakit ako at inalagaan mo ko. That was one of the memories I like with you. The way you care, The way you acted like a boss. Ni hindi mo nga hinayaang gamitin ko ang phone ko.
Sabay tayong mag breakfast, mag lunch at mag meryenda kahit na mas masarap ang pagkain mo kesa sakin. Masaya ako sa mga oras na yun kahit pa may sakit ako.
Kaya naman ng paggising ko ng gabi at note mo lang na papasok ka sa school ang tumambad sakin ay di ko maiwasang sunduin ka sa school niyo.
pinigilan naman ako nila Rina na umalis pero ang sabi ko importante ang pupuntahan ko. narinig ko pa ngang lagot daw sila sayo kapag nalaman mong umalis ako.
Bakit sila matatakot sayo eh ako ang boss nila? hindi naman nila ako mapigilan dahil takot din sila sakin. Ikaw lang naman ang hindi natatakot sakin eh.
tinanong ko pa si Seth kung saan ka nag-aaral. I picked you up sa school and obviously hindi mo nagustuhan ang ginawa ko. Nakipagtalo ka pa nga sakin.
During the entire ride ang tahimik mo. hindi ko alam kung anong iniisip mo, pero alam ko malaki ang kinalaman ko.
Your Boyfriend
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.