Dear Diary,
Nasa bakasyon pa ko. Sa Lunes pa ulit ang umpisa ng trabaho ko. January 2 palang ngayon pero bakit nagtatrabaho na ko?
Ayun ay dahil sa boss ko na napakabossy! Wala na atang tatalo pa sa kanya sa parteng yun.
Pag gising ko kaninang umaga ay kinausap ako ng mga professionals na mag aayos ng mansyon. All I can say naman ay talagang maganda ang nagawa nila at masaya pang gawin.
Gusto ko na ngang mag change of heart sa kurso ko. Mag interior design na lang kaya ako? Kaso wala akong alam sa fashion eh. Old fashion kasi ako. Hahaha
Ayun nga diary, hindi ko naman lubos akalain na pagbibigyan kaagad ni Lord ang gusto ko dahil ako daw ang magdedesign ng kwarto ng boss ko.
Aba matindi diba? Kung ano daw ang gusto kong ilagay at gawin ay bahala daw ako. Sabi pa kapag di ko daw ginawa wala raw akong sasahurin sa buwan na to. Kapag hindi naman niya nagustuhan masesesante ako. Bwisit na antipatikong yun! Binigyan pa ako ng suliranin.
Sinusubukan talaga ako ni Lord sa new years resolution ko dahil pangalawang araw pa lang sasabog na ko sa inis.nauubos na niya agad ang pasensya ko.
Naman oh! Bakit ako pa kasi? Ito ba ang regalo niya sakin ngayong taon? Kainis! Hindi ko ibibigay ang christmas gift ko sa kanya! Bahala siya! Naiinis ako.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Literatura FemininaAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.