Dear Diary,
Hindi mawala sa isip ko ang nangyare. Until now andito pa rin ito at nakatatak. Hindi ako makatulog! It's 3am already! Kesa isipin ko na may multo ay eto bukas ang ilaw at nagsusulat ako.
His exact words was "I tried everything to ignore you but I can't. You fvcked my mind big time Coryna"
Anong ibig niyang sabihin dun?
Nang tanungin ko kung ano na namang kasalanan ko ang sagot niya.
"Just stay where you are and don't go anywhere"
Ang gulo diba? nang sabihin kong wala akong naiintindihan. Sumigaw siya. Nagulat ako. Hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil sa sinabi niya.
"Are you numb? I'm jealous cause I fvcking like you Coryna"
And that's it. I'm speechless. During the entire dinner ay wala akong nasabi. Ni hindi ko na nga nagawang makipagtalo dahil wala naman siyang meeting talaga. Iniiwas niya ko kay Kade dahil ano? Nagseselos daw siya.
Hinatid niya ko sa school pero wala pa ring pag-uusap na naganap after ng mga sinabi niya.
Sabi niya susunduin niya ko. Magrereklamo na sana ako pero ng tignan ko siya napatango na lang ako. nakain ko ang dila ko. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin at gagawin ko.
During the entire class wala akong naintindihan. Iba ang nasa utak ko. Pinilit kong i-absorbed ang sinabi niya. kapag pinipikit ko ang mata ko at iniisip siya puro away lang namin ang nagfaflashback sakin. how come gusto niya ko?
nagbibiro lang ba siya? pero wala yun sa tipo niya. Kinakabahan ako. Hindi pwedeng may gusto siya sakin. Hindi pwede diary!
Nang mag-uwian kanina ay nagmadali ako. Tataguan ko sana siya, ang kaso paglabas ko ng classroom ko nakaabang na siya.
Nahulaan niya kaya na tatakasan ko siya? dati naman kapag sinusundo niya ako ay sa harap siya ng school, pero kanina nasa harap talaga siya ng classroom kaya wala akong kawala.
Ang mga kaklase ko nga ay nagbulong bulungan pa. ito ang ayaw ko eh ang matsismis ako. Umalis tuloy ako kaagad. nakasunod naman siya sakin ng iwan ko siya. wala naman akong magawa ng pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan niya.
Wala kaming imik pero sa peripheral view ko nakikita kong sumusulyap siya sa direksyon ko.
Hindi ako sanay diary! ano yun? nililigawan na niya ko? shocks! ang ganda ko.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.