Journal 81

144 6 0
                                    

Dear Diary,

Happy Valentines day! Happy kasi kinilig ako sa ginawa ni Sir Paul kanina. Hindi naman kasi ako manhid at first time lang na may magpadala sakin ng bulaklak, chocolates at malaking teddy bear.

Saturday kasi ngayon at walang work. After ng morning class ko kanina at pag-uwe ko ay ang ingay sa kusina. nakiusisa lang naman ako. nagsigawan sila at binati ako ng Happy Valentines. may nginuso si Ate Rina at ng tignan ko kung ano, nakita ko sa lamesa ang mga yun.

Para sakin daw at dinelever nung nasa school pa ko. Di ako makapaniwala kaya naman binasa ko ang card.

Cory,

Happy Valentines.

You know I have an emergency today. I really want to give it to you personally but I'm needed here.

I hope you like it. Let's have dinner tomorrow night.

Walang nakalagay kung kanino galing pero alam ko naman na kung sino. Sulat kamay palang alam ko na. Sus! wag mong sabihing nahihiya pa siya na ilagay ang pangalan niya. o kampanteng kampante siya na siya lang ang magbibigay sakin ng mga ganito? Hmmp!

tampulan ako ng tukso sa mansyon, inaalam nila kung sino ang manliligaw ko.

nililigawan ba niya talaga ako? eh hindi naman siya nag ask ng permission!

Ayokong sabihin si Senyorito ang nagbigay nig mga yun. naku tiyak na iisipin lang nila feelingera ako lalo na't wala namang pangalan ni Sir Paul ang card.

Kung nanliligaw man siya. additional pogi points ang ginawa niya.

Oo pambata kung titignan. Para sakin na 23 na ay dapat hindi na natutuwa sa ganitong bagay but I can't help it. Ang cute cute ng teddy bear. Tapos yung roses different colors tapos ang lalaki pa.

Pinaghihingi nga nila kaso wala akong binigyan maski isa. syempre baka ibalandra nila dito sa bahay at makita pa ni Sir Paul at sabihing pinamimigay ko lang yung bigay niya. dahil dun mas inasar nila akong inlove na inlove daw. 

ako na ang nahihiya sa kanila dahil hindi nila napansin na andun na rin sila Madam at Ser at naririnig ang ingay nila.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon