Diary 29

132 6 0
                                    

Dear Diary,

Ang sakit ng katawan ko. Nabugbog ata. Paano ba naman si Marie ginawa akong punching bag dahil sa kilig niya.

Nang ibinalita ko na kami na ni Paul ay tili siya ng tili. Hindi ko nga maiwasang matawa sa reaksyon niya. para siyang nanalo sa lotto eh.

Ipinakwento niya ang mga nangyare. Kaya naman ikinuwento ko ang mga nangyare sa Macau at HK, pati na rin ang plano niyang hindi ako ibalik ng Pinas hanggat hindi nagiging kami.

Ayun halos mag seizure na siya sa sobrang kilig. Nakakahiya nga sa coffee shop eh.

Gaya ko kasi hindi na rin umasa si bestie na magiging kami pa ni boss dahil na rin sa pagbabago niya ng bumalik siya galing Singapore.

Tapos ang babaeng laging andito sa opisina ay yung magandang si Haydie.

Tsss! Asan na kaya yung babaeng yun? Dinispatcha na kaya ni Paul dahil kami na? aba dapat lang. di ako papayag na may babae pa siya maliban sakin.

Kapag ako nagselos! Well di ko pa naman alam ang gagawin ko kapag nagselos ako pero sa mga nakikita at naririnig ko nagiging halimaw daw ang mga babaeng nagseselos.

Di naman ako selosa no diary? Hindi ako ganun. kakatayin ko lang naman sila ng buhay kapag nagpahuli sila sakin.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon