Dear Diary,
Maugong pa rin ang balitang isa daw ako sa mga girlfriends ni boss. Ayoko ng tsismis na yun. Para na ring binaba ko ang sarili ko kung gagawin ko yun. Tamo nga ang bansag sakin ay isa sa milyong milyong babae niya. Hindi ako kaladkarin. At hindi ko ugaling pumatol sa boss ko para lang umangat o ano pa man. matino ako pinalaki ng mga magulang ko.
Nakarating na nga rin ang tsismis na yun kina Madam at Ser at hiyang hiya ako. Sinabi ko na hindi yun totoo na inassume lang yun ng bestfriend ko.
Natawa lang sila sa pageexplain ko kaya napaamin tuloy akong si Sir Kade naman talaga ang crush ko.
Nagsabi din ako kanina na kung pwede maging sekretarya na lang ulit ako ni Madam. Sa tingin ko naman papayag si Noris na magpalit kami ng pwesto. Ang kaso sabi ni Madam kausapin ko daw si boss.
Eh paano ko gagawin yun kung palagi na lang niya kong sinusungitan?
Oo simula nung nagtalo kami na hindi na ko sasabay sa kanya ay nagsusungit na siya sakin. Ang dame na naman niyang utos na out of this world para lang galitin ako.
Kapag nainis ako sa kanya hindi niya ko papansinin. hahayaan lang niya akong mamatay sa inis. bwisit siya! Anong klaseng amo siya? Minsan hindi ko na magets ang ugali niya.
Hindi na rin ulit siya nagtangkang isabay ako sa pag-uwe kahit na mansyon na ulit siya tumutuloy.
May times na nagsisisi ako dahil ang hirap ding maglakad pauwe. Pero wala eh dapat panindigan ko ang sinabi ko na wag na niya kong isabay dahil ayoko ng tsismis.
Tama naman ako diary diba? Sa pag iwas ko ay mas nakakatulong yun diba?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.