Dear Diary,
Ang landi niya. Ang landi landi niya. At dahil sa kalandian niya napaamin ako.
Sukat ba naman itulak ako sa kama niya at tsaka dagaan. Hindi lang yun isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at sininghot singhot ako. Ano ako drugs?
Ang bango ko daw at amoy baby. Kaya daw baby na ang itatawag niya sakin. Eh kasi naman yung cologne na gamit ko ay pam-baby talaga eh.
OMG ang halay niya hindi siya umalis sa pagkakadagan sakin hanggat hindi daw ako umaamin na gusto ko siya.
I'm so helpless diary kaya umamin ako sa kasalanang hindi ko ginawa. I mean umamin ako na gusto ko na siya kahit ang gusto ko sana ay magpakipot pa.
Aba naman hindi pa nga niya ko ulit nililigawan tapos kami na. Kaso diary, naakit ako sa kanya. kapag siguro hindi pa ko umamin baka nahalay ko na siya.
Wala na diary naisuko ko na ang matamis kong oo.
Meaning ba nun ay kami na? Pero walang palitan ng I love you. Nasa I like you stage palang kami so MU palang ba to?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.