Journal 56

146 6 0
                                    

Dear Diary,

Birthday ni Madam ngayon. Naging busy kami sa pag aayos ng garden para sa celebration ng birthday niya.

Hindi kami magkanda ugaga sa pagtulong sa party coordinator para mas mapadali ang lahat. While busy kami sa pag aayos. Busy naman ang pamilya sa ibang bagay.

Si Ser ay nasa work. Pero alam naman namin na uuwe din iyon ng maaga para sa party mamaya. Ewan ko ba bakit hindi na lang mag off eh siya naman ang may ari. Importanteng kliyente daw kasi.

Sila Madam at Senyorita Selene ay nasa botique kung saan kukunin ang gowns nila. may last minutes remedyo pa ata.

Si boss naman ayun out of town. Hindi na niya ko sinama. 3 days siya sa Cebu. May pasok kasi ako kaya hindi pwede. Hays minsan gusto ko ng full time work para naman matry ko kahit sumakay lang sa eroplano. 

Darating yata siya mamaya. Wala akong balita kahit ako ang sekretarya.

-------//

Sorry naging busy ang lahat kanina kaya hindi ko natapos ang pagsusulat. nagtuly tuloy na yun hanggang sa nagsimula ang party. Sobrang dame ng bisita ni Madam. Hindi namin naexpect na ganun karame ang darating. Nakita namin ang list ng mga guest pero mukhang ang nangyare ay nagdala din ng mga kasama ang mga iyon. I mean extended family nila. Dumami tuloy ang bisita.

dahil sa dame ng tao ay hindi ko naiwasang tumulong kanina. Naging waitress ako ng wala sa oras. Okay lang naman sakin yun dahil ang suot ko ay out of place naman. Ang garbo kasi ng mga damet nila.

Ang ibang kasambahay ay nasa kusina at tumutulong din. Yung iba ay lumabas na rin para tumulong sa mga bisita.

Diary! Waaah! Kinikilig ako. Grabe ang gwapo talaga ni Sir Kade kanina. Ang kaso may kasama siyang magandang babae. Di ko lang alam kung sino yun pero sabi nila kaibigan lang.

Sana nga kaibigan lang. Nakakahiya naman kung magkandarapa ako sa lalaking may girlfriend na.

Dumating si Sir Paul sa kalagitnaan ng party. Pinagbawalan pa nga niya akong maging waitress. Secretary ko daw siya kaya ayun nakasunod lang ako lagi sa kanya. Di ko man lang naenjoy ang gabi. mas natuwa pa ko na may nagagawa ako kesa nakasunod lang sa kanya, ang boring. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila about business.

Nang sinubukan kong tumakas ay nagalit siya. Ewan ko ba kung anong problema niya. Mukhang mainit ang ulo at sakin pa niya binubunton. Kung wala lang bisita mababara na naman siya sakin. Napaka abnormal talaga ng boss ko na yun.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon