Dear Diary,
Badtrip pa rin ako sa nangyare nung weekend. Hindi ko talaga pinapansin ang boss ko kung hindi niya ko kakausapin.
Kung tutuusin ay wala namang nagbago dahil hindi naman kami close. But this time hinahayaan ko na siya. Kahit inis na inis na ko wala akong sinasabi, hindi tulad noon na nasasagot ko siya minsan.
Kung di pa dumating si Sir Kade at sinabi sa pinsan niyang antipatiko na kailangan ko ng umalis dahil may klase pa ko ay di niya malalamang estudyante ako.
Epal kasi! Inuuna ang galit bago ang explanation.
Gulat ang rumihistro sa mukha niya kanina ng malamang nag aaral ako pero nawala din agad yun ng kausapin ako ni Sir Kade. Bipolar talaga!
Ang sweet talaga ni Sir Kade diary. Alam mo bang hinatid pa niya ko school sa para hindi ako ma-late. Tipid na sa pamasahe, inspired pa ko sa klase.
-Cory

BINABASA MO ANG
Dear Diary
Chick-LitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.