Diary 33

136 4 0
                                    

Dear Diary,

hindi naman mahirap mag-isip ng ireregalo sa may birthday diba? I mean dati hindi naman ako nahihirapan sa ganitong bagay pero bakit ngayon hirap na hirap ako sa pag-iisip ng ireregalo sa birthday niya?

OMG Diary, naalala ko yung gift ko sa kanya noong pasko! hindi ko pa pala naibibigay. Yun na lang kaya ang iregalo ko?

ang kaso joke time yung gift ko na yun eh. Oo cute nga yun ang kaso sa tipo niya noon ay hindi niya magugustuhan yun. baka nga sigawan pa niya ako. pero ngayon sa tingin ko kahit anong ibigay ko tatanggapin niya. Boyfriend ko yun eh.

Tsss! if I know kiss lang ang gusto nun.

Quiet ka lang diary ah, pero alam mo lagi kong iniimagine na nagkikiss kami ni boss. SA LIPS.

Ay ang landi ko.

Eh kasi naman ang dalang lang niya akong halikan. Tapos lagi pang sa noo. puro na lang sa noo. Nung una nakakakilig pa pero dahil lagi na, nakakainis na. Ano yun mas masarap halikan ang noo ko kesa sa labi ko?

tssss! bumili pa ko ng strawberry flavor na lip balm para masarap ang labi ko kapag hahalikan niya ko pero napupudpud na yun pero mabibilang ko lang sa isang kamay ko ang paghalik niya sa labi ko.

Kainis! Sa ibang mga babae nga niya nakikipaglaplapan pa siya.hindi naman sa gusto kong lapain niya ang labi ko diary. kahit nga smack lang okay na sakin basta naman sana sa labi naman at hindi sa noo. ang sarap kasi ng lips niya eh. ang lambot lambot pa.

Wait lang inuuna ko na naman ang kalandian ko kesa sa pag-iisip ng regalo. Ano na diary? Mag suggest ka nga?

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon