Dear Diary,
Namiss kita diary! Ngayon nalang ako nakapagsulat ulit.
Nagkasakit ako last week. Nahawa ako sa boss ko. Hindi rin ako nakapag exam nun kaya ngayong week ako nagtake. Buti nga pinayagan ako ni dean eh.
Super busy ako sa pag aaral kaya hindi muna kita pinansin. Hindi ko rin kasi naalala kung saan kita nailagay. Naipit ka pala sa mga magazine sa kwarto ni Sir Paul. Buti hindi ka nawala. Naku andito pa naman ang talang buhay ko.
Good thing Cory lang ang pagkakakilanlan ko dito.
Namiss mo na ba ang kwento ko? Well back to normal naman na sa work. Bumalik na rin pala si Madam. Ang kaso on vacation pa rin ang secretary ni boss kaya ako pa rin ang secretary niya.
Si Noris muna ang temporary secretary ni Madam at tuwang tuwa ang loka. Sakin pa nga nagpaturo ng mga gagawin. Ang bait talaga ni Madam. Hindi issue sa kanya kahit highschool lang ang natapos ni Noris basta natuturuan.
Madali lang naman siyang turuan at simple lang naman ang mga ginagawa eh. Yun nga lang sa pag eenglish lang siya nadali. Tuwang tuwa naman si Madam sa pagka trying hard niya. Naiintindihan naman kaya walang kaso dun.
Nung nagkasakit ako pinagrest ako ni boss. O diba ang bait? Nakonsensya ata dahil nahawa ako sa kanya. At dahil wala siyang secretarya ay sa mansyon siya nag stay. Dala din niya ang work niya doon. Ewan ko bakit ayaw niya sa condo niya. Pati nga sila Madam nagulat ng maita siya sa mansyon pagdating nila.
For two days yun. Bale apat na araw siyang nagtrabaho sa bahay. Ang meetings niya ay si Ser na ulit ang umaattend.
Sobrang dameng nangyare diary. basta ang masasabi ko lang ngayon ay masaya na ko dahil nahanap kita. Wag ka na ulit mawawala.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.