Journal 67

136 6 0
                                    

Dear Diary,

Merry Christmas! 

Pasko na ngayon. Ang bilis ng araw ano? Pero para sakin ang tagal nun. Gabi gabi kong pinapanalangin na sana Christmas break na para hindi na ko pumasok sa opisina. At eto na nga pasko na!

Grabe diary ang saya namin kanina habang sinasalubong ang pasko. Ang ingay ingay namin sa kusina habang naghahanda.

Yung iba samin ay umuwe sa pamilya dahil na rin wala naman sila Madam. Pero marame pa rin kaming naiwan dito.

Hinati kasi ang mga tao sa bahay eh. May magbabakasyon ng pasko at may magbabakasyon din ng new year.

Pero kahit hindi kami kompleto ay masaya ako. Ngayon na lang ulit ako naging masaya sa pagsalubong ng pasko.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon