Dear Diary,
Naloka ako at ang buong opisina kanina. Paano ba naman badtrip na badtrip si Sir Paul ng pumasok siya.
Ilang beses din nasigawan ang mga taga marketing at engineering department dahil sa init ng ulo niya.
Sinabihan nga ako ni Madam na puntahan ko na daw si boss bago pa niya masesante lahat ng empleyado ng kumpaya, kaso natakot din ako eh. Baka ako naman ang sigaw sigawan niya. Baka ako ang pagbuntungan niya ng galit niya.
Ang kinalabasan tuloy ay limang empleyado ang unemployed na ngayon. Paano na lang kung nagpakita ako? Baka pati ako wala ng trabaho. Ano ba kasing problema niya?
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.