Dear Diary,
Hindi ako makapaniwala na may casino pala itong tinutuluyan namin. Mukha siyang mall at hindi ka maiinip. hotel na may mall pala ito.
nakalimutan ko na ang pangalan nitong hotel basta nagsisimula sa letter V.
May kinausap si boss kanina na business partner kaya naman naglibot muna ako sa lugar. Okay lang naman dahil napagusapan naman na magkita kami ng 6pm for dinner.
Hindi ko alam kung anong role ko dito. Ang sabi niya ay secretary niya ako pero iniwan naman niya ko.
Kung alam ko lang na dito kami pupunta ay nagdala sana ako ng monopad para makapag picture ako ng mas maganda. First time ko dito sa ibang bansa eh.
Nilibot ko ang lugar at natuwa ako dahil may mga pilipino palang nagwowork dito at tinuro ako sa magandang puntahan.
Nagulat ako ng makita ang lugar. Hindi ko inaasahang may ganun sa mall. Para akong nasa ibang lugar. Alam mo yung canal kung saan may kumakanta. May ganun rito. Sobrang gandang pakinggan ng kanta nila.
Nang sinubukan kong pumasok ng casino ay hindi ako pinayagan dahil wala akong passport.
Hay sayang gusto ko pa naman makita kung anong ginagawa sa loob. Nasa bag ko kasi yung passport ko na nasa suite namin. wala akong dala kundi phone ko lang.
Nilibot ko ang lugar at di ko namalayan na lumampas ako sa usapang oras namin ni boss. nag enjoy kasi ako sa pagwiwindow shopping at kakakuha ng pictures.
Nang makarating ako sa suite namin isang galit na toro ang sumalubong sakin.
Pinagsabihan niya ko at natahimik na lang ako. Kasalanan ko din naman kasi hindi ko napansin ang oras. Nag alala daw siya at muntik na niyang tawagan ang security kung hindi pa ako dumating. Nahiya ako sa kanya dahil dun.
nung inaya niya kong kumain ay nagsunod sunuran na lang ako. Ano bang meron sa kanya at ganito siya kagalit? Para 15 minutes lang naman ako na late eh.
Hindi ko napansin na gutom na pala ako kung hindi ko pa naamoy ang food sa restaurant.
Ang dame kong nakain kanina diary, hindi ko na lang pinansin ang tingin ng mga tao sakin. Buti na lang foreigner ako at wala akong care sa sasabihin nila. hindi naman na nila ko makikita ulit.
Paano ba naman diary ang suot ko ay simpleng pants at shirt lang. Nakarubber shoes pa ko. Kumpara naman sa suot nilang mamahalin at elegante. Isama mo pang naka suit and tie ang kasama ko. Para lang akong basura dito na mukhang ilang taong hindi pinakain dahil sa katakawan.
Matapos ang pagkain ay tsaka kami naglibot sa mall. Kung nung una widow shopping ang ginawa ko. Nang makasama ko siya ay shopping galore talaga. puro pambabae ang binili niya. Pati underwear ay ako ang pinapili niya. Anong alam ko sa size ng pagbibigyan niya? Hanep talaga.
Wala naman akong karapatang magreklamo dahil secretarya niya ako at kasama sa trabaho ko ang mga ito. Tagabitbit ako ng mga pinamili niya. Taga pili pa kung inuutusan niya.
Ang swerte ng pagbibigayan niya ng lahat ng yun kaya naman maswerte ako. Oo ako nga diary.
Hindi ko inakala na para sakin lahat ng binili niya. Dahil daw wala akong dalang matinong damit kaya nagshopping kami.
Pero naman diary sobrang dame nun eh. gaano ba kami katagal magstay dito? Mukhang pang isang linggo eh!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.