Dear Diary,
Ngayon ang alis ni Madam at sinabi ko sa kanyang pagkakatulong muna sa mansyon ang gagawin ko habang wala siya. Ayaw niya nung una dahil hindi ko naman iyon trabaho. Mag leave din daw muna ako or mag aral na lang sa oras na wala siya. ngunit naging mapilit ako na magtrabaho pa rin. Ayoko kasi na kompleto ang sahod ko tapos pasarap lang ang gagawin ko sa mga panahong wala siya.
Pumayag din naman si Madam. Kung ganun daw ang iniisip ko ay pwede naman daw akong tumulong sa opisina kung kinakailangan. Gusto ko nga sanang sabihin kahit secretarya na lang ni Kade ay okay na ko. Ang landi ko lang no? Kelan ako natutong gumanito?
Habang hindi ako kailangan sa opisina ay sa masyon muna ako magtatrabaho. Yun ang fair para sa akin. ayokong abusuhin ang kabaitan nila Madam.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.