Dear Diary,
Akala ko okay na ang lahat ng maibigay ko ang papeles pero mali ako. Pinatawag ulit ako ni Sir Paul at inutusang bumalik sa condo niya.
Paano ko nalaman? Tumawag ito sa HR ng kumpanya at tinanong kung sino ako na ang alam lang niya ay secretarya ng nanay niya.
Hindi kasi ako pormal na naipakilala kay Sir Paul dahil na rin sa pagtatago ko nung party sa kanya.
Kaya rin siguro nagulat siya sa pagsulpot ko sa condo niya.
Hindi lang yun, nalaman niya na sa mansyon ako nakatira. Kaya tumawag siya sa bahay at sinabihan si Ate Rina na bumalik ako ng condo niya.
Una, ay gulat ang naramdaman ko. bakit niya ko ipinapatawag?
Pangalawa, ay takot dahil baka may mali sa ginawa ko o baka mali ang papeles na ibinigay ko.
Pangatlo, ay inis! Ayoko siyang makita eh. I hate him to the bone!
Wala akong nagawa kundi ang puntahan ko siya kanina. trabaho ko to eh. Pero tengene yan oh! Pinaghintay niya ko ng anim oras para sa wala. Leche siya! Tapos sasabihin niya na bukas na lang.
Naku ang sarap niya ipakagat sa asong ulol eh. Nagutom at nilamok ako sa harap ng pinto niya para lang sa wala.
Wala naman akong balak na pumasok ng condo niya dahil sa takot kong makakita ng di kanais nais na pangyayare gaya nung nakaraan.
Wala man lang pakundangan ang lalaking yun. Sana man lang tumawag sakin o kaya pinaalam sa reception para masabihan ako kaagad. Inantay pa niya ang anim na oras. Kundi pa ko tinawagan ni Ate Rina ay baka mas matagal pa ang nilagi ko dun.
Ang layo layo niya kay Ser at mas malayo siya sa pinsan niyang si Kade. Napaka ungentleman! bwisit!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.