Dear Diary,
Start na ng second sem. Ang bilis lang ng panahon. Next year gagraduate na ako. Ang OJT ko ay ito na ring sa kumpanya ng mga Lalopez. Sana lang bigyan ako ng magandang review ng boss ko.
Dapat nga sa finance department ako dahil dun naman ang involve ang course ko para sana kasama ko si Sir Kade. Pero asa naman ako sa masungit kong boss na ilang taon ng may regla. hindi ako nun papayagan dun mag OJT. secretary pa rin kasi niya ako. baka kakausapin ko na lang si Sir Kade.
By the way diary missing in action na naman si boss. Lately lagi siyang may out of town meeting. Sa tuwing tinatanong ko siya kung isasama niya ko ay umiiling lang siya.
Nakakahurt na siya ng feelings ah. Pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan kaya ganyan siya sakin. Dahil kaya sa arrangement ng room niya? Hindi na rin kasi siya sa mansyon tumutuloy. Sa condo na naman niya.
Siguro gabi gabi na namang may babae yun. Tsk! Di kasi maiuwe sa mansyon kaya sa condo na lang niya. Okay erase erase! Kinikilabutan akong isipin ang kababalaghang ginagawa niya. I can't imagine!
Well kung ayaw niya akong isama sa mga appointments niya outside office edi fine. More time to stalk Sir Kade.
Sana lagi na lang ganun para may moment kami ni Sir Kade. Bwisit kasi siya! Kung kelan wala akong pasok sa school at masasamahan ko siya saka niya ko iniiwan. Akala ko naman matutupad na ang pangarap kong makasakay ng eroplano! Hmmmp Bahala na siya!
-Cory
![](https://img.wattpad.com/cover/52281460-288-k27732.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.