Dear Diary,
Pumunta kami ng Taipa Village para sa food tripping. Feeling ko talaga tataba ako dito kahit na sabihin nating ilang araw pa lang kami dito.
Ang sarap ng mga food. Hindi ko nga napigilang magpabili kay boss ng makakain at mga pasalubong. sabi ko ikaltas na lang niya sa sahod ko. wala naman kasi akong dalang pera ano. buti na lang talaga at pumayag siya. kahit ano daw gusto ko bilhin ko na. Aba naman ano nalang sasahurin ko niyan?
pero super dame kong nabili kasi naman lahat ng tinuturo niya ay magaganda. nakikipagtawaran na nga ako eh para mas marameng pasalubong. pwede rin pala yun dito.
Bukas daw pupunta kaming Macau Tower. Ayoko diary! ayoko talaga! pero mukhang hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya.
Please help me! sana tumagal ang meeting niya bukas para makauwe na kami ng Pilipinas. Okay na ko sa mga pinuntahan namin at nakapagshopping na rin ako ng pasalubong.
Diary! ayokong mag bungy jumping! ikamamatay ko yun!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Chick-LitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.