Dear Diary,
Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis kay Paul. Okay Paul na ang tawag ko sa kanya. I'll call him Paul or Baby daw. Sabi ko nga BOSS na lang ang itatawag ko sa kanya dahil bossy naman siya pero nagalit lang sakin. tsss! masungit pa rin! antipatiko pa rin!
Baby? Duh! Bakulaw kaya siya!
Ayun nga diary hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis dahil inamin na niya sakin ang totoo. wala naman pala talagang meeting dito sa Macau.
Ginawa niya talaga to para mag enjoy kami. At sabi niya, hindi daw kami aalis ng Macau hanggat hindi niya ako nagiging girlfriend. Isipin mo yun? ibang klase talagang mag-isip ang boss kong yun.
Tinakasan niya ang mga work niya sa Pinas dahil lang dito. Kung di pa ko tinawagan ni Madam para pauwiin kami ay walang balak umuwe ang loko.
Inaya pa akong mag- Thailand. Actually sabi niya yung meeting daw naging sa Thailand na dahil may emergency daw yung Thai businessman na dapat ka meeting niya dito sa Macau.
Tignan mong kasinungalingan niya diary? kaya naiinis ako sa kanya kanina eh. pero nung sinabi niyang ginawa lang niya yun to be with me, para makasama niya ko at mapa-ibig, ayun kinilig ang kepay ko.
Haysss! Paul Andrew Lalopez iba ka talaga eh. Lahat na lang ng gusto mo nakukuha mo, kahit ang pihikan kong puso. char!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.