Diary 35

119 6 0
                                    

Dear Diary,

Hindi ko alam kung matutuwa ako o kikiligin dahil super clingy niya ngayon. Kilala mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko diary. Isang tao lang naman lagi ang kinukuwneto ko sayo. walang iba kundi yung boyfriend ko.

Naging okay naman ang birthday celebration niya. Nakilala ko ang mga friends niyang gwapo. Yung mga pinsan naman niya alam ko ng gwapo at magaganda sila. Nasa lahi na eh. tsaka obvious naman sa kanila ni Sir Kade na maganda talaga ang pinagmulan.

Pero di ko maiwasang mamangha dahil pati ang mga kaibigan niya ang ga-gwapo. Grabe mukhang mga artista. Lalo na yung bestfriend niyang si Jordan.

Buti na lang at mahigpit ang garter ng panty ko kundi nalaglag na. Ang gwapo kasi talaga.

Ilang beses na nga akong nasinghalan ng boyfriend ko dahil natutulala ako sa bestfriend niya. Paano ang ganda rin ng boses kapag nagsasalita.

Grabe diary ang swerte ng magiging girlfriend niya. Sayang taken na ko. Joke lang! naku wag mo kong isusumbong sa boyfriend ko. may pagkaseloso kasi yun.

Tamo buong gabi nasa tabi ko lang siya. Ni pagpunta ng banyo ay sinasamahan ako. Kapag andyan ang pinsan niyang si Kade nakaakbay na yan. Ayaw maniwala na friends lang talaga kami. Tsss! Paano na lang kapag nalaman niyang crush ko si Sir Kade dati? Baka lumulutang na sa ilog pasig ang katawan ng pinsan niya ngayon.

Hindi naman siguro sinabi nila Madam na crush ko dati si Sir Kade kaya ganyan siya makabantay kapag nasa paligid ang pinsan niya? Makausap nga minsan si Madam about dun. OA na kasi tong anak niya.

Masyado na nga siyang PDA dahil nakalingkis siya sakin buong gabi. Natatawa na nga lang ang mga kaibigan niya sa pagkaclingy niya. Hindi daw sila sanay. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko dahil gwapo ang boyfriend ko.

Ako na nga ang nahihiya sa asta niya. Kapag susuwayin mo naman nagagalit. Abnormal talaga. Pasalamat siya birthday niya eh at syempre pasalamat siya at mahal ko siya.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon