Diary 36

149 6 0
                                    

Dear Diary,

Di ko mapigilang matawa. Natatawa talaga ako kapag naalala ko ang mga nangyare kanina.

Kasi naman wala akong pasok ngayon kaya naman naisipan naming mag date ng boyfriend ko.

Simple date lang naman lagi ang gusto ko. Ayoko sa mga mamahaling restaurant. mas gusto ko yung nagpipicnic lang.

Kaya naman naisipan naming gawin yun ng boyfriend kong nasapian kaya sweet ngayon. Idinala niya ko sa isang lugar kung saan pwede kaming kumain at mag star gazing.

Bakanteng lote iyon at kami lang ang sasakyan na nakapark. Iba ang sasakyan na gamit namin. Pick up truck yun ni Ser. Hiniram niya muna para sa date namin.

Yun ang napili niya dahil yung likod daw ng sasakyan ang gagamitin namin para sa star gazing. ayaw daw niyang humiga sa damuhan. Ang arte niya din no?

Nagdala din kami ng mga unan at comforter at marameng finger foods. Grabe ready talaga siya na akala mo hindi emergency date ang nangyare.

Yun nga diary, kumain kami, nagkwentuhan, naglambingan, nagtukaan. Joke lang walang tukaan na nangyare. yakapan lang.

Habang nag star gazing kami kanina at nakahiga sa likod ng pick up ay naisipan niyang mag-laro kami. Akala ko nga basketball na alam mo na ang gusto niyang gawin pero iba pala. Bakit ba ang wholesome ng boyfriend ko pagdating sakin?

Hindi ba pwedeng maging antipatiko siya pero medyo bastos? ayyy! ang landi ko.

Ayun nga inaya niya kong maglaro. Ang title ay 'tell me something I don't know'. O title palang nakakatawa na. kanta lang kasi ni Selena Gomez.

Yun na nga. Sasabihin namin sa isa't isa ang sekreto namin or bagay na hindi pa namin alam sa isa't isa. Meaning diary gusto niyang malaman lahat sakin. Hays gusto ka niyang agawan ng pwesto. gusto niyang maging siya na ang diary ko.

Nung una ayaw ko pero sabi niya mas makikilala namin ang isa't isa kaya pumayag ako.

Madami kaming napag-usapan. maganda pala ang larong yun. Nalaman ko ang favorites niya at nalaman din niya yung akin.

Nakwento ko sila Mama at Papa at nakwento din niya sila Madam, Ser at Senyorita.

kaso nung usapang lovelife na medyo naging awkward na. actually ayoko naman ng malaman yung kanya dahil obvious na sakin na marame siyang babae.

Sinabi ko pa nga na kapag nahuli ko siyang nambababae, masasapak ko sila. Tumawa lang siya. akala ba niya nagbibiro ako? nasapak ko na nga siya dati eh.

Sabi naman niya kahit mambabae daw siya ako pa rin daw ang mahal niya. Abay gago diba?

Kaya sabi ko gawin lang niya. Magtatapat nalang ako sa crush ko at magmomove on sa kanya. Ayun nagalit.

Ewan ko ba sa kanya. kapag siya ang nagsabi ng mga ganung bagay biro lang ang dating kapag ako naman sineseryoso niya. Abnormal talaga.

Tinanong niya kung sino ang crush ko ng mapagbantaan na niya. Natatawa na lang ako sa asta niya. Ayoko sanang sabihin kaso naalala ko yung sabi niyang mambabae siya kaya sinabi kong crush ko yung bestfriend niyang si Jordan.

sumama nga ang itsura niya at kinumpirma kung si Jordan talaga. sabi ko siya ang crush ko ngayon pero dati yung pinsan niyang si Kade. Ayun na! dun na siya na-beast mode.

Alam mo bang tinawagan talaga niya si Kade para bantaan na wag na wag akong aagawin sa kanya at kapag nagtapat daw ako ng feelings ko sa kanya ay bastedin ako. ang gago lang talaga. ako ang nahiya para sa asal niya.

nakatanggap pa ko ng text galing kay Kade na tigilan ko daw ang pagpapaselos sa boyfriend ko dahil mahal pa niya ang buhay niya.

Diary ano bang nagyayare sa boss ko? nasaan na ang dating siya? nalamon na ba ng pagmamahal niya sakin ang kasungitan niya? yiieee kinikilig ako.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon