Journal 12

226 4 0
                                    

Dear Diary,

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay minamalas ako!

Ang saya ko dahil nakuha ko na ang unang sahod ko simula ng magtrabaho ulit ako. Kaya nagpagpasyahan kong mag grocery. Wala akong budget para sa materyal na bagay gaya ng mga damet kaya puro makakain at mga personal na kailangan ko lamang ang binili ko.

Paglabas ko ng mall ay napansin kong umulan pala dahil basa ang kalsada. buti na lang may dala akong payong kung sakaling bumagsak ulit ang ulan.

Nagjeep ako hanggang sa subdivision pero napagpasyahan kong lakarin nalang hanggang sa mansyon. Ang mahal kasi ng pasahe sa tricycle. 30 pesos hanggang mansyon, panload ko na rin yun para matext si Marie.

Masaya akong naglalakad sa daan ng biglang may mabilis na sasakyan ang dumaan sa gilid ko!

Napamura ako sa kinasadlakan ko. Sa bilis ng pagmananeho niya tumalsik ang namuong tubig sa kalsada ng dumaan siya.

Nang makarecover ako para tignan kung sino ang lapastangan, nakasibat na siya. Pero hindi ko makakalimutan ang sasakyang yun dahil yun din ang muntik ng bumangga sakin.

Bwisit siya bwisit! May araw din ang lalaking yun.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon