Dear Diary,
Kanina nagsimula ang unang araw ko sa kamay ng antipatiko kong boss.
Mas busy pala siya kesa kay Madam. Ang dame niyang appointment. Ang sakit na rin ng tenga ko kakasagot ng mga tawag. Paano kaya nakatagal ang secretary niya dito? Hanep! Call center agent lang ang peg ko dito.
Ilang babae na rin ang sinigaw sigawan ako sa telepono.
Bakit daw naging babae ang secretary ni Sir Paul? ang pagkakaalam nila ay lalaki ito. Bago daw ba niya akong babae? Aba nanuyo din ang laway ko sa paulit ulit kong kakaexplain. Ayokong ma-associate sa antipatikong yun. like hello? he's not my type.
Nung lunch break marame ang naiinggit sakin dahil daw ako ang secretarya ni Sir. Aba kung gusto nila makipagpalit sila sakin, malugod kong tatanggapin.
Imbyerna talaga ang unang araw ko.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.