Dear Diary,
Enrollment namin kanina. Akala ko pahirapan ang pagpapaalam sa boss ko para makapag enroll ako pero hindi. Pinayagan niya akong maghalf day.
Sinabi ko ang appointments niya ng hapon at tumango lang siya saying "you can go"
Alam mo diary may mali talaga eh. May mali sa set up namin. Nagagalit pa rin siya at nakasigaw kapag may hindi nagustuhan sa mga reports. Pero kung dati kasama ako sa napagbubuntungan niya ng inis at madalas nasisigawan ngayon wala akong natatanggap.
Nakakapagtaka diba? Pero alam mo diary nakakamiss din siyang makasagutan. At least dun nakakausap ko siya. Hindi ganito na parang hindi ako nag eexist sa opisina niya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.