Dear Diary,
Binigla ako ni Sir Paul sa mga nangyare. Bigla na lang siyang dumating sa mansyon at sinabing aalis kami. Ang aga-aga nun. katatapos ko lang maligo nang sinabi sakin ni Ate Rina na andyan si boss at inaantay ako.
sunod noon ay nakatanggap ako ng tawag sa kanya sa phone ko. bilisan ko daw at may importanteng lakad kami. nang sabihin kong paplantsahin ko lang ng mabilis ang corporate dress ko ay sabi niya magsuot ako ng kahit anong komportable ako.
Nagtaka naman ako nung una pero naisip ko na baka outside meetings ang pupuntahan namin.
Hindi naman niya ko ininform na outside the Philippines pala ang meeting niya. Naloka ako diary.
Alam mo bang nasa Macau kami ngayon? At pati ikaw diary ay nasa Macau na rin.
Ganun pala ang feeling kapag nakasakay ka sa eroplano. Para ka lang palang nakasakay sa sasakyan.
Nung una nagulat ako sa take off at touch down. Parang kumakawala ang puso ko sa sistema ko. But the rest of the flight was smooth.
Nag check in kami sa isang malaki at kilalang hotel.
Nalulula ako sa suite namin dahil sobrang ganda talaga. Katulad ng mga nakikita ko sa magazine.
Yun nga lang isang kwarto lang! Nakakainis! nagreklamo nga ako ang kaso sabi niya kung gusto ko daw ng ibang kwarto ay ako daw ang magbayad. Bwisit siya! ang sungit pa rin talaga sakin.
Ano pa bang ieexpect ko diba diary? Hindi naman na niya ko gusto. Bakit ba niya ako pag aaksayahan ng pera? Kainis siya! Hindi ko na rin siya gusto. Sungit sungit! May regla siguro.
Sa itsura pa lang ng hotel na to kukulangin pa siguro ang sahod ko sa isang taon para makakuha ng sarili kong kwarto. Wala tuloy akong nagawa.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.