Journal 61

141 6 1
                                    

Dear Diary,

Ang kapal niya! Ang kapal ng mukha ng boss ko.

Alam mo bang tinanggihan ko ang offer niyang pagsabay sakin sa pagpasok ng opisina at ganun na rin ang pag uwe dahil na rin sa tsismis sa kumpanya.

Alam mo ang sinabi ng antipatikong yun " I know you like me Miss Spiva. You should be thankful I'm giving you my time" aba ang kapal talaga! Ayun nagtalo kami sa kafeelingan niya.

Ako may gusto sa kanya? Over my beautiful sexy body. Boss ko siya at hindi ako katulad ng mga babae niya na makukuha sa mga paganyan ganyan niya. Ni wala nga siyang kasweetan sa katawan na pinagtataka ko dahil sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. tapos sasabihin niya gusto ko siya? sinong magkakagusto sa kanya?

Siguro iba ang trato niya sa mga babaeng patay na patay sa kanya. Baka sweet siya sa mga yun. kasi imposible namang habul-habulin ng mga babaeng yun ang kasungitan niya diba? 

Bwisit siya! Naiinis talaga ako.

Naiinis ako kay Marie dahil sa pagkakalat niya ng wrong information.

Naiinis ako kay Sir Paul dahil ang feeling niya. Anong ipagpapasalamat ko sa pagkapansin niya sakin? Eh ng dahil dun ilang death threats na ang nareceived ko hindi lang sa mga empleyado sa kumpanya kundi sa mga babae niya outside sa company.

Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong nagpapaapekto sa bagay na to. Lalo na tong pagtatalo namin ngayon kung saan iniwan talaga niya ko sa parking ng building namin kanina. Kainis kainis kainis!

Pagdating ko ng mansyon wala daw siya dun! So ngayon sa condo niya siya tumuloy? Kainis kainis kainis!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon