Dear Diary,
Grabe ang kaba ko kanina. Alam mo bang pinatawag ako ni Sir Paul sa kwarto niya.
Yung tingin niya kanina parang hinahalukay ang pagkatao ko. Ilang araw ko din siyang hindi nakita pero pakiramdam ko sobrang tagal na. Parang ibang tao kasi ang nasa kaharap ko kanina.
Oo alam ko may pagkamasungit sakin ang boss kong yun pero kanina yung titig niya. Basta kakaiba.
Kaya nga nung tinanong niya ko kung ako ang nag ayos ng room niya napa-oo agad ako.
Yung tono niya pa nga parang di siya naniniwala na ako. Tsk! Hindi naman talaga ako eh. Pero maganda naman ah. Dapat nga magthank you siya.
Akala ko nga masesesante na ko dahil hindi niya nagustuhan pero pinaalis din niya ko kaagad. Abnormal din eh. pinakaba pa ako.
-Cory

BINABASA MO ANG
Dear Diary
Chick-LitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.