Diary 39

129 5 0
                                    

Dear Diary,

Ako ang hot topic sa school ngayon. hindi lang yun, may nagpapapicture na rin sakin pero umaayaw lang ako. di ako makapaniwala na naging instant celebrity ako sa school.

May mga nakaalam na boyfriend ko ang taga pagmana ng Lalopez Corp. ang dame na rin gustong makipagkaibigan sakin.

may mga bumabati pa nga sakin sa school na di ko naman kakilala. tipid na ngiti lang ang binibigay ko.

Ang mga classmate ko naman ay kinorner ako kanina pagdating ko sa room. hindi sila makapaniwala na yung lalaking manliligaw ko noon na boyfriend ko na ngayon na laging nakaabang sa pinto ng room namin ay isang mayaman na businessman.

Hay naku hindi naman lalaki ang issue na to kung hindi lang sikat ang ex girlfriend niya eh. Yung mga classmates ko tinatanong kung ako daw ba ang rason ng hiwalayan nila. tipid na ngumingiti at umiiling lang ako. 

aba anong alam ko? hindi ko pa nakakausap ng maayos ang boyfriend ko simula pa kahapon.

Ang busy niya na at talagang ang relasyon namin ay pure business lang ngayon. Isama mo pa ang media na inilalayo niya saming dalawa.

Alam mo ba diary na hindi niya ko hinatid at sinundo sa school kanina. kainis na mga media kasi yan, laging nakasunod sa kanya para humingi ng statement. wag lang talaga nila akong guluhin at talagang makaktikim sila sakin.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon