Journal 70

142 7 0
                                    

Dear Diary,

Happy New Year! Bagong taon na naman. Ano kaya ang magandang New year's resolution?

Siguro ang pagiging mas mabait at mas mahabang pasensya para sa boss ko.

Hay iba talaga ang epekto ng boss ko na yun sakin. Biro mo kahit bakasyon ko nararamdaman ko pa rin ang presensya niya.

Paano ba naman bagong taon na kaya inayos namin ang buong mansyon. When I said buong mansyon. Buong mansyon nga. Nagawa ko ngang malibot ang buong 2nd floor ng mansyon dahil dun.

Sa tagal ko rito kanina lang ang first time kong malibot ito. Pinalitan kasi halos ang mga gamit. Kahit ang ibang arrangements ng furnitures and appliances ay binago.

Hanep nga eh. Gusto daw ni Madam ng bagong arrangements. Nagpadala pa nga ng professionals para magsabi ng dapat gagawin. Tumulong naman kami para mas marameng manpower.

Hindi pa siya tapos pero bukas dapat okay na ang lahat dahil the next day na ang balik nila galing France.

You know what diary? Masasabi kong mayaman talaga sila. Yung second floor ng bahay ay maganda. Andun lahat ng kwarto nila. Ang kwarto lang nila Madam at kay Senyorita Selene ang naayos. Bukas na lang daw ang kay Sir Paul dahil wala pa daw nasasabi ito sa gusto niyang ayos ng kwarto niya. Kahit kailan talaga paimportante siya. Hindi naman siya dito nakatira.

Pati na rin ang third floor ng masyon ay walang katulad sa mga napuntahan ko na dahil andun ang entertainment nila.

Iba pala talaga ang mayayaman. Pero sa mga mayayaman siguro sila Madam na ang pinakamabait  at mapagbigay. Kaya sila binibiyayaan dahil hindi sila matapobre.

Sana lang talaga namana ng boss ko ang ugaling yun.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon