Diary 35.2

124 7 0
                                    

Dear Diary,

OMG! Si boss ba ang may birthday o ako?

Kasi naman matutulog na dapat ako dahil napagod ako sa party kanina, ang kaso biglang may kumatok sa kwarto ko. guess who? Malamang ang malandi kong boyfriend.

Nilandi niya ako at muntik na akong bumigay. Ay bumigay nga pala ako. Bumigay ang tuhod ko.

Sinunggaban ba naman ako ng halik! Shet diary! Hindi lang basta smack ang ibinigay niya. French kiss yun! Di nga nakayanan ng tuhod ko at bumigay. Buti na lang nahawakan niya ako sa bewang.

Naku papatayin ako ng lalaking yun. Inubos niya ang oxygen ko sa katawan.

Pinuntahan niya ako para lang mag-thank you sa regalong binigay ko. Aba naman kung laging ganun ang kapalit ng mga regalo ko aba lagi ko na siyang reregaluhan.

Pero hindi yun ang dahilan kaya masaya ako. Kundi dahil nasabi na niya ang salitang inaantay ko.

He said "I love you so much Cory". May kasamang mahigpit pang yakap yun kaya naman hindi ako nakahinga. Grabe! oxygen please! hindi ko kinaya ang sinabi niya, isama mo pa ang higpit ng yakap niya.

Waaah diary mahal niya ko. Mahal niya ko! Happy birthday to me!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon