Dear Diary,
Hindi ako makapaniwala sa nangyare kanina.
Napagpasyahan kong tanggapin ang offer ni Marie dahil na rin nakakita ako ng puting lobo na nakatali sa gate ng sementeryo.
Maaga palang ay pumunta na ko sa opisina niya para sa interview. Sinamahan niya ko sa HR dahil dun ako iinterviewhin. Alam mo yung may backer ka sa kumpanya? Nakatulong iyon para mahire ako.
Sobrang saya ko kaya naman inilibre ko si Marie.
Napagusapan namin ang darating ng pasukan at napagdesisyuhan ko na ring pumasok ulit. Kaunting units lang ang kukunin ko para magawa ko ang trabaho ko sa umaga at pag aaral sa gabi. Ayoko namang mapagod ako ng sobra. Hindi ako magiging efficient nun.
Diary ito na ang simula ang pagbabago ng buhay ko. Sana magtuloy tuloy na.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Literatura FemininaAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.