Dear Diary,
One week and I'm in hell! Ayoko na talaga. Kanina napatid na ang lahat ng pasensya na meron ako.
Gusto mong malaman kung anong ginawa ko kanina? Well diary nakipag away lang naman ako sa isa sa mga girlfriends ng antipatikong yun na umabot pa sa pinadampot ko siya sa mga guard.
Ang kukulit kasi! ayaw na nga sa kanila ipagpipilitan pa nila ang mga sarili nila.
Ito namang boss ko hindi man lang harapin ang mga babae niya! Sa pagka antipatiko nun ang dame din palang naloloko. Porket may new sets na siya ng girls. ako ang ipapalapa niya sa mga babaeng pinagsawaan na niya.
Alam mo diary, Sinasabi lang niya sakin ang mga babaeng pwedeng pumasok sa office niya aside from his family and staffs. Kapag wala sa list ako na daw gumawa ng paraan para umalis. Tamong kasamaan ng ugali niya. Kaya napaaway ako kanina at ayun nadampot pa yung babae ng guard. Ayoko naman sana kaso kailangan kong gawin ang last resort.
Buti na lang wala dun si Sir dahil may meeting sa conference room sa kabilang floor.
Nagtataka ka ba bakit di ako kasama eh ako ang secretarya? may kinuha na kasi siyang ibang staff para samahan siya. He said I'm still unreliable! Kaya mas lalo akong nainis sa kanya eh. Odi siya ng magaling. bakit kasi kinuha kuha pa niya kong secretary dito? Para ano? Taga sagot ng punyetang mga tawag galing sa mga babae niya? Taga timpla ng kape ng mga babaeng laging bumibisita sa office niya? Taga bigay ng dahilan sa mga babaeng binasura niya at kinukulit siya? Pucha naman ang kailangan niya ay call center agent, guard at maid! Hindi secretary!
Waaaah! Bakit hindi na lang si Sir Kade ang naging temporary boss ko. Mas masaya pa sana ang buhay ko dito sa kumpanya. Napaka understanding pa nun bukod sa napaka gwapo pa!
Dahil sa mga bwisit na babaeng yun nauubusan ako ng time. Sila ang nagpapastress sakin imbis na ang exam ko. Huhuhu isa pa pala yun sa problema ko. Mag eexam pa naman ako at hindi pa ko nakakapag-aral. Kapag kasi walang ginagawa si Madam nakakabuklat ako ng notes ko, eh dito kay antipatikong babaero ay walang oras na hindi ako sumasagot ng telepono. Buti sana kung may sense at importante ang mga tawag pero mga babae naman niya ang kailangan kong kausapin o ang reception na sinasabing may paakyat na namang babae dito.
Kapag ako bumagsak, may kalalagyan ang mga babae niya. Beast mode na talaga ako sa mga babaeng yun! Humanda sila pare pareho sakin. Inuubos na nila ang pasensya ko eh.
-Cory

BINABASA MO ANG
Dear Diary
Chick-LitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.