Dear Diary,
Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kay Sir Paul ng mahimasmasan ako sa mga nangyare. Nabigla lang naman ako kaya nasabi ko yung mga yun eh.
Kasi naman sinabihan niya ko ng malandi at nilalandi ang pinsan niya. siyempre nainis ako.
Pero diary alam ko na ngayon na sumobra na ko sa mga sinabi ko kahapon. galit kasi ako eh. ang bibig ko pa naman hindi ko na napigilan. Alam ko masakit ang mga yun. sabihan ko ba naman siya na sana wala na lang siya sa buhay ko. Siyempre magtatampo yun.
Miss ko na siya. Miss na miss ko na siya diary.
Hindi siya pumasok ng opisina kanina. Hinanap rin siya sakin ng mga classmates ko kanina. nasaan na daw yung gwapong manliligaw ko.
Ang sabi may emergency meeting daw, pero bakit di ko alam? lagi yun nagpapaalam sakin eh. Routine na niya yun kapag umalis siya.
kahit isang text wala talaga akong nareceived sa kanya ngayong araw. ano ng gagawin ko? gusto kong magsorry pero wala naman siya dito.
- Cory
![](https://img.wattpad.com/cover/52281460-288-k27732.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.