Diary 18

144 4 3
                                    

Dear Diary,

Exam days are over! Kinakabahan ako sa magiging resulta.

Simula ng pinag-awayan namin ni Sir Paul ang tungkol kay Sir Kade ay ginawa ko na ang lahat para mag-aral mag-isa.

Kapag nahihirapan ako, I asked my classmates and even my professors. Ayoko na ulit kasing pagtalunan namin yun. Pero tignan mo naman kami, gaya pa rin ng dati. 

tatlong linggo na ang nakakalipas pero walang improvement sa relasyon namin.

Oo nga pinakilig niya ko nung isang araw pero hanggang ganun na lang ba?

Unti unti na siyang nakakalimutan ng mga classmates ko, ng mga kasambahay sa mansyon. Ako na lang ata ang hindi makalimot.

Habang tumatagal unti unti ko ng natatanggap na wala na talaga. kasalanan ko naman eh. ako naman ang umayaw eh. so ako lang ang may karapatang masaktan.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon