Journal 25

197 5 0
                                    

Dear Diary,

Matapos ang pasok ko ay inabangan na ko kaagad ni Marie sa labas ng building kaya naman wala akong nagawa nung hatakin na niya ko papuntang condo niya para magpalit ng damet para sa party.

Para akong alien sa loob ng bar kanina. Nakapunta na ko sa ganoong lugar noon pero iba ang pinuntahan namin kanina. Matao, mausok at walang mga lamesa except sa VIP.

Maniniwala ka bang nakita ko si antipatiko sa bar na iyon. Hindi niya kasama yung nakita kong babae sa supermarket noon. Ibang babae ang kasama niya kanina. Nahuli ko pa silang naghahalikan. Ang gross!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ng maalala ko ang kalapastanganang ginawa niya sakin noong umuulan. Kaso hindi ko napigilan ang galit ko ng mabangga siya ng kaibigan ko.

Natapon ang laman ng iniinom ni Rachel sa damit ng antipatiko na yun at sinigaw sigawan niya ang kaibigan ko. Kung anu anong mura pa ang sinabi niya na puro english naman. Halos maiyak si Rachel kaya naman nasapak ko siya. Oo sinapak ko siya diary. Ang tigas ng mukha. Sumakit nga ang kamao ko.

Nagulat siya sa ginawa ko. Bago pa siya makaamba ng ganti ay hinatak ko na palabas ng bar si Rachel.

Iyak siya ng iyak kaya naman mas lalo akong nainis sa lalaking yun. Walang galang talaga sa babae.

Iniuwe namin si Rachel na sinasabing di niya sinasadya ang nangyare at natatakot siyang mawalan ng trabaho. Kung anong kinalaman nun sa nangyare ay di ko maintindihan. Siguro lasing na lasing lang siya.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon