Journal 47.2

153 6 1
                                    

Dear Diary,

Kinuwento sakin ni Ate Rina ang nangyare kagabi. Hiyang hiya ako samantalang siya naman ay tawa ng tawa.

Ayun kay Ate Rina lasing na lasing daw akong umuwe at kung anu-anong pinagsasabi ko tungkol kay Sir Paul. Sinabihan ko pa daw na antipatikong malandi.

Sinabi ko rin daw lahat ng sama ng loob ko sa mga babae niya at sa pag-uugali niya.

Okay lang naman sana yun diba? Ang kaso ang naghatid sakin ay si Sir Paul kaya rinig na rinig niya ang mga pinagsasabi ko.

Dinuro duro ko pa daw siya para pagalitan. Sabi ni Ate Rina dinaig ko pa daw si Madam sa pangangaral sa kanya ng tamang asal at tamang pagtrato sa kababaihan. Gosh I can't remember anything!

Gulat na gulat daw si Sir Paul sa mga sinabi ko lalo na ng masukahan ko siya. Nasukahan ko siya diary. OMG!

Ang likot likot ko daw kasi kaya ayun naalog ang katawan ko at nagsuka ako. Nakakahiya dahil si Ate Rina pa ang naglinis sa kalat ko maging sakin. Halos walang buhay na daw ako ng ihatid niya ko sa kwarto.

At isang rason kung bakit di ako makalabas ng room ko ngayon ay dahil andito sa mansyon ang senorito! Hindi na raw siya umuwe sa condo niya ng maihatid ako and until now ay andito pa rin siya.

 I'm doomed diary! Ano na lang gagawin ko pag nagkita kami dito sa mansyon o di kaya naman sa opisina bukas? Waaah! Ayaw ko na!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon