Dear Diary,
Kumukulo ang dugo ko. Isama mo na ang kalamnan ko. Alam mo bang nakita ko na naman ang antipatikong muntik na kong mapatay?
Nakita ko siya sa supermarket at may kasama siyang babae. Nanlisik agad ang mata ko ng maalala ko ang ginawa niya kaya naman sinadya kong banggain siya ng push cart na tulak ko.
Masaya na sana ako dahil nakaganti na ko ang kaso yung babaeng kasama niya ay inaway ako. Ang sarap nilang pagbuhulin na dalawa.
Pinagsosorry ako sa ginawa ko sa antipatiko niyang kasama. Pero bakit ako magsosorry kung sinadya ko naman? Ang bobo lang nun diba?
Inaway away niya ko kaya inaway ko rin siya at ang bwisit na antipatiko nanood lang samin.
Nung sinampal ako nung babae ay gumanti din ako. Akala ba niya di ko siya papatulan. Nagkagulo kami sa sahig hanggang sa inawat na kami ng mga staff ng supermarket.
Nang hanapin ko ang antipatikong lalaki ay ayun naglalakad palayo. hindi man lang kami inawat o di man lang niya tinulungan ang babaeng kasama niya. Napaka bait talaga!
Gulat na gulat sila Ate Rina sa kinasadlakan ko sa supermarket ng ikinuwento ko ang nangyare. dapat daw sinamahan nalang nila ako. Okay lang naman sana kung di lang ako inaway ng babaeng yun.
Hindi na nga nagreact ang yelong lalaking yun nung binangga ko siya tapos maghihisterikal yung kasama niya na akala mo siya ang nasaktan?
Mga babae nga naman, masyadong pa bebe.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.