Dear Diary,
Ang early dinner namin ay nasundan pa ng nasundan. Hatid sundo niya ko sa school. Sabay na rin kami pumasok sa office dahil sa mansyon na naman siya nakatira.
Ang mga empleyado sa Lalopez Corp ay nakamasid na samin. Maging si Marie ay kinukulit na ko sa estado namin ni Sir Paul dahil lagi na lang daw kaming magkasama.
Kahit sa mga meetings niya ay kasama na rin niya ko. Di na ko naiiwan gaya ng dati. Maghigpit din ang bilin niya sakin na wala akong papasukin sa office niya ng walang appointment. Kaya yung mga babaeng laging pumupunta roon at hinahanap siya ay pinapaalis ko. kapag ayaw ay tumatawag na ko security gaya na rin ng utos niya.
Ano yun tinatapon na niya ang mga babae niya dahil gusto niya ko? dapat ba kong matuwa? or dapat ba kong matakot dahil unti unti na niyang naapektuhan ng buhay ko?
Oo diary matagal na niyang napasok ang buhay ko dahil pinapainit niya lagi ang ulo ko. pero iba na ngayon. Sa mga simpleng ginagawa niya baka puso ko na ang painitin niya at tuluyan na kong malusaw sa pinapakita niya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.